Buwaya, sino nga ba ang di nakakikilala sa mga taong nabansagan nito sa Pulitika? Ito nga ba ang sanhi ng patuloy na pagkalugmok ng ating bansa sa kahirapan o sadyang tayo lamang ang hindi gumagawa ng hakbang? Mahirap pamunuan ang isang bansang naghihirap ngunit daig pa rin nito kung ang taong namumuno ang nagpapahirap.
Sa takbo ng Pilipinas ngayon ay sadyang mabagal at bulok pa rin ang sistema, imbes na pasulong ay paurong ang destinasyon. Kung ang ganitong pamamalakad ay magpapatuloy ay mananatili na lamang tayo sa kinatatayuan natin.( wag ka nang umasa .) Kapuna-puna talaga ang mga pangakong binibitawan ng Gobyerno, partikular na ang pangulo at senado. Sa paraan ng kanilang pagsasalita ay nadadala tayo sa mga mapanlinlang nilang mga plano na napapako at nanatiling panaginip lamang.
Ngunit sa kabilang banda,may parte rin tayong mga mamayan na naghahatak pailalim. Ang tunay na sakit nating mga Pilipino ay sa mga panahong binibigyan tayo ng pagkakataong umunlad ay napapangunahan ito ng kontrahan sa halip na isipin muna ang mga mabubuting dulot nito. Nakapagtataka lamang na sa mga bagay na pinadali at pinabilis na pamamaraan ay agad agad itong kinokontrahan at binabalik balikan. Tayo na nga ang nilalapitan , hindi pa rin natin ito makita at pagbigyan.
Sa kadami daming umupo sa ating bansa bilang pangulo, Sino nga ba ang gumawa ng pagbabago? Tila isang litrato ng kabiguan na nagpalit-palit lamang ng itsura at mukha ngunit iisa lamang ang nagawa para sa bansa. Noodles, mga sardinas at iba pang mga pagkaing may maipanlaman lamang sa sikmura ang maibibigay ng Godbyerno para sa mga nasalanta at lubos na nangangailangan? Kung ang paulit-ulit mong binigyan ng mga pagkain ay binigyan mo ng trabaho tiyak hindi na ito muling babalik at hihingi pa ng mga pagkaing tinipid.
Sa kabilang banda hindi pa rin maisisi nang buo sa Pamahalaan , lalung-lalo na sa kahirapang iyong nararanasan, kung kahirapan ang sigaw mo ang tanong ko sa’yo ngayon ilang bata ba ang aruga mo?, Ano ang pinagkakaabalahan mo? Nakatatawang isipin na ang mga taong nagpa-upo o nagboto sa isang pulitiko ay siya ring nagpapatalsik at patuloy na kumukontra laban sa patakaran nito. Sa boto mo nakasalalay ang kapakanan ng buong bayan, hahayaan mo na naman bang masayang ito at mapunta sa wala ? 'Wag maging bobo. Pilipino ka 'wag manatiling tanga.
Marami talaga sa atin ang humahanap palagi ng butas, makalusot lang. Kapag makalusot piling nito nakaisa at nanalo sya. puchanggala lang. Maraming abusadong Pinoy. Wag laging sisihin ang gobyerno kung bakit hindi ka nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Maraming paraan, tamad ka lang. Wakasin na ang ugaling tila nakakbit na sa ating mga Pilipino.
Bansang Pilipinas, nabiyayaang tunay . Sapat at mulat na ang ating mga mata sa mga Karanasang nagdulot ng mabuti at hindi sa ating bansa .Huwag nang hintayin pang umabot sa puntong hindi na tayo makagagawa ng paraan upang isalbang muli ang ating bayan.
---------------------------------------------------------------------------------
HANGGA'T marami ang abusado at nagpapaloko -malabong umunlad pa ang ating bansa.
-------------------------------------------------------------------------------
I wrote this article When i was 14 years old- year 2009
No comments:
Post a Comment